Itutuloy pa din ng Senado ang imbestigasyon sa mga ni-raid na illegal pogo sa Tarlac at Pampanga sa kabila ng pasya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagbawal na ang POGO sa bansa.
Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, mahalagang matukoy ang mastermind sa mga illegal na POGO na ito.
Sa ngayon, sinabi ni Gatchalian na pag-aaralan pa nila kung isusulong pa ang pagpapasa sa panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang mga POGO.
Nais kasi aniyang matiyak ng senador na hindi magbabago ang polisiya kapag nagpalit na rin ng Pangulo ang bansa.
Ang isusulong aniya nila ay ang panukalang batas na naglalayong paghiwalayin ang regulatory at operational function ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ito ay para maresolba aniya ang conflict of interest sa mandato ng PAGCOR. | ulat ni Nimfa Asuncion