Imbestigasyon sa Manila Bay reclamation, pinaaapura ng House leader matapos mahuli ang ilang Chinese national na bumababa sa kanilang dredging vessel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa Kamara na tutukan ang pagdinig hinggil sa mga reclamation project sa Manila Bay.

Ito’y matapos maaresto ng Bureau of Immigration ang siyam na Chinese national sa Pasay City na bumaba sa kanilang dredging vessel noong nakaraang linggo.

Matatandaang naghain si Tulfo ng isang resolusyon para imbestigahan ang Manila Bay reclamation dahil sa banta sa national security matapos mapag-alaman na lahat ng gumagawa sa reclamation ng Manila Bay ay pawang mga Chinese national at bumababa sa barko at nag-iikot sa Metro Manila sa kabila ng kawalan ng visa.

“Ito yung sinasabi ko noon na bumababa ng barko nila ang mga manggagawa na Chinese at umiikot dito sa Metro Manila. Ang tanong ngayon, ano ang pakay nila para gumala sila sa Maynila gayong wala silang mga visa?” pahayag ni Tulfo.

Una nang pinuna ng US Embassy ang Manila Bay reclamation dahil sa isang Chinese company na kabilang sa reclamation project.

Natukoy na ang China Communications Construction Co. (CCCC)) na namamahala sa mga dredging at reclamation operations, ay ang kumpanyang responsable sa pagtatayo ng mga air at naval bases sa mga teritoryong inaangkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Paalala ni Tulfo na kailangan nang gumulong ang pagdinig para sa seguridad ng bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us