Impormasyon sa mga hypersonic missiles ng China na naka-umang sa Pilipinas, ayaw patulan ng Defense Department

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumanggi nang magkomento ang Department of National Defense (DND) sa naging pahayag ni Senador Imee Marcos tungkol sa umano’y impormasyong hawak niya na may hypersonic missiles ang China na nakatutok sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, iginiit ng DND na wala silang nakikitang dahilan para magkomento o magbigay reaksyon sa mga naging pahayag ng senador.

Ito’y dahil sa wala pa namang lumalabas na video o di kaya’y nababasa mula sa kanilang mga source hinggil sa mga sinasabi ng mambabatas.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakikipag-ugnayan na sila sa senador para beripikahin ang nasabing ulat.

Nanindigan naman ang AFP na gagawin nila ang lahat upang protektahan ang Pilipinas mula sa anumang banta bilang pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us