Tiniyak ni Incoming Education Secretary Sonny Angara na higit pa niyang pagbubutihin ang mga programa na magsusulong sa mataas na kalidad ng karunungan para sa mga mag-aaral, at ipagpapatuloy niya ang mga nasimulan na ni Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd).
Ito ang inihayag ni Angara sa isinagawang turnover ceremony sa tanggapan ng DepEd sa Pasig City kung saan pormal nang ipinasa ni Duterte ang liderato ng DepEd.
Ayon kay Angara, napakalaking karangalan ang ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. upang maglingkod bilang kalihim ng DepEd.
Buong pagpapakumbaba aniyang tinatanggap ang katungkulan na ito, bilang tugon sa tiwala at hamon ng Pangulo.
Nabatid na bukas, July 19 opisyal na mauupo sa puwesto si Angara bilang bagong kalihim ng DepEd. | ulat ni Diane Lear