Incoming Education Secretary Angara, nagbitiw na bilang senador ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsumite na ng resignation letter bilang senador ng Pilipinas si incoming Education Secretary Sonny Angara.

Nakasaad sa resignation letter na isinumite ni Angara kay Senate President Chiz Escudero na epektibo ang kanyang resignation kahapon, July 18.

Ngayong araw, nakatakda ang oath-taking o panunumpa ni Angara bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Inilahad rin ni Angara na 11 taon siyang nagsilbi bilang senador at sa panahong iyon ay nakapagpasa siya ng mga mahahalagang panukalang batas.

Kabilang na dito ang may kaugnayan sa pagtitiyak na magiging mas accessible ang de-kalidad na edukasyon at healthcare; pagpapataas ng take home pay ng mga manggagawa; pagpapataas ng social pension ng mga senior citizen; pag-exempt sa VAT ng mga PWD; pagbibigay ng insentibo sa mga atleta ng bansa at mga coach nila; at ang paglalaan ng suporta sa mga tatak Pinoy industries.

Nangako ang secretary-designate na dadalhin niya ang portfolio niyang ito sa bagong papel na haharapin niya bilang kalihim ng DepEd.

Hanggang 2025 na lang dapat si Angara sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos ang dalawang magkasunod na termino. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us