Inilunsad ngayong araw ang second leg ng Information Caravan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cebu.
Pinangunahan ito nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Undersecretary Edu Punay, at Assistant Secretary Baldr Bringas na layong itaguyod ang tatlong flagship programs ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan ng Cebu.
Kabilang dito ang Walang Gutom Program, Tara Basa! Tutoring Program, at Pag-abot Program.
Dumalo rin sina Regional Director Shalaine Marie S. Lucero, CESO IV at Division Chief Rosemarie Salazar ng DSWD Field Office 7 upang ipakita ang kanilang suporta sa mga programa.
Tinatarget ng Information Caravan na palakasin ang pag-promote sa mga programa sa pamamagitan ng pagbaba sa komunidad upang mas maiparating at mas mapalawak ang kaalaman ng publiko ukol sa tatlong pangunahing mga programa. | ulat ni Merry Ann Bastasa