Infrastructure development agenda ng administrasyong Marcos, ilalatag sa Build Better More Infra Forum ng PCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aarangkada na simula ngayong araw, July 11, ang Build Better More Infrastructure Forum ng Presidential Communications Office (PCO) na layong isulong ang infrastructure initiatives ng administrasyong Marcos.

Isasagawa ang forum sa National Government Administrative Center, New Clark City, sa Tarlac mula ngayong Huwebes hanggang sa Sabado, July 13.

Ayon sa PCO, makikilahok sa naturang forum ang nasa 60 opisyal at communicators mula sa mga ahensyang may kinalaman sa flagship infra agenda ng gobyerno kabilang ang DPWH, DOTR, DOF, DBM, NEDA, BCDA, CDC, SBMA, at CIAC.

Magkakaroon ng serye ng talks kung saan ipepresenta ng mga ito ang mga proyekto sa Build Better More ng administrasyong Marcos.

Makikibahagi rin dito ang nasa higit 40 mamamahayag mula sa government at multi-media outfits na partikular na tumututok sa BBM Infrastructure Program.

Target ng naturang forum na mapalakas ang kolaborasyon ng gobyerno sa media para mapahusay ang kalidad at halaga ng pampublikong diskurso hinggil sa ‘Build-Better-More’ (BBM) Infrastructure Program (2022-2028), na kasama sa itinataguyod sa ilalim ng Bagong Pilipinas agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang Build Better More Infrastructure Forum ang ikatlo na sa serye ng Bagong Pilipinas Media Engagement at Workshop ng PCO ngayong taon matapos ang matagumpay na Food Security Cluster Communications Workshop noong Marso at National Security Cluster Communications Workshop noong Abril. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us