Malawak rin ang pinsalang idinulot ng Bagyong Carina sa irrigation facilities sa bansa partikular sa CALABARZON ayon sa National Irrigation Administration.
Sa tala ng NIA, aabot sa P29.1-M ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Carina sa National Irrigation Systems (NIS) sa naturang rehiyon.
Kabilang sa napinsala ang 20-metrong canal lining sa Mayor River Irrigation System (RIS) sa Mabitac, Laguna; Matanda River Irrigation System (RIS) sa Tanza, Cavite, at Agos River Irrigation System (RIS) sa Infanta, Quezon
Ayon sa NIA, dahil sa pinsalang ito, aabot sa halos 5,000 ektarya ng pananim ang naapektuhan o katumbas ng 5,134 magsasaka sa rehiyon.
Aabot rin sa P111.81-M ang estimated crop loss kung saan karamihan ay mula sa mga sakahan ng palay.
Pinakamalaki ang naitalang crop damage sa lalawigan ng Laguna kung saan P45.8-M ang halaga ng pinsala sa communal irrigation systems (CIS) habang P34-M sa national irrigation systems (NIS).
Kaugnay nito, tuloy tuloy naman ang ginagawang assessment gayundin ang clearing operations sa irrigation canals para maalis na ang mga debris at maibalik ang normal na operasyon ng mga ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸Courtesy of NIA