Iniwang patay ng sama ng panahon, sumampa na sa 14

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labing-apat na indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Butchoy at Carina.

Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, walo dito ang kumpirmado, habang anim naman ang for validation pa.

Sa nasabing bilang, lima ang mula sa CALABARZON, apat sa Region-9, tig-isa mula sa Region-10, 11, at NCR, habang dalawa sa BARMM.

Dalawa ang naitalang sugatan at dalawa din ang nawawala.

Posibleng tumaas pa ang datos dahil patuloy pang kumakalap ng impormasyon ang kanilang mga tauhan sa mga apektadong lugar. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us