Iniutos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng Inter-Agency Task Force na tututok sa insidente ng oil spill sa lalawigan ng Bataan.
Sa situation briefing na pinangunahan ng Pangulo sa Provincial Capitol ng Bulacan, sinabi nitong mabuting magkaroon ng inter-agency task force para mapagtulong- tulungan ng iba’t ibang ahensiya ang anumang concern na dapat tugunan kaugnay ng insidente.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang Office of the Civil Defense ang magsisilbing lead agency habang Kasama din sa Task Force ang Coast Guard at DILG.
Ito’y para aniya maging well-coordinated ang galaw ng mga kinauukulang local executives.
Kasama din dito ang Department of Environment and Natural Resources at ang Department of Health dahil kabilang sa pinatututukan at pinababantayan ng Pangulo ang aspeto ng kalusugan at ang environmental concern. | ulat ni Alvin Baltazar