Lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang lokal na pamahalaan ng Ipil sa isang pribadong kontraktor para sa pagtatayo ng low-cost condominium units sa bayan ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Layon ng proyekto na magtatayo ng apat hanggang siyam na palapag na abot-kayang condominium units para sa mga Sibugaynon.
Layon din nitong mapabuti ang living standard ng mga Ipileños at ng mga Sibugaynon – na may moderno at komportableng housing units.
Ayon kay Ipil Mayor Amy Olegario, ang naturang inisyatiba ay bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangangasiwaan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Dagdag ni Mayor Olegario na ang nasabing pabahay ay para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay