Kinilala ang lungsod ng Iriga, Camarines Sur bilang isa sa 19 na ‘digital cities’ sa ginanap na Digital Cities Awards 2024 sa Kawit Island, Cebu City.
Ang Lungsod ng Iriga ay kinilala bilang leading hub para sa IT-BPM (Business Processing Management) investment.
Mismong si Iriga City Mayor Rex Oliva ang tumanggap ng nasabing pagkilala para sa pagkakaroon nito ng business-friendly environment at dedikasyon sa pagsusulong ng trade and industry.
Bukod sa pagtanggap ng pagkilala, ibinahagi rin ni Oliva ang mga accomplishment at best practices ng lungsod at mga insight para sa development ng IT-BPM industry. | ulat ni Vanessa Nieva | RP Naga
📷: City Government of Iriga