IRR para sa career progression ng mga guro, nilagdaan na ng DepEd at iba pang ahensya ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang mahalagang hakbang ang isinagawa para sa mga guro sa paglagda ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa kanilang career progression.

Sa isang seremonya sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City, pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at mga kinatawan ng Civil Service Commission (CSC), at Professional Regulatory Commission (PRC) ang paglagda sa IRR ng Executive Order 174.

Layon ng IRR na ipatupad ang Expanded Career Progression System para sa mga pampublikong guro sa elementary at secondary, na magbibigay-linaw sa kanilang pag-angat sa serbisyo.

Ayon sa DepEd, sa ilalim ng bagong sistema maaaring mamili ang mga guro sa dalawang landas: ang Classroom Teaching Career Line at ang School Administration Career Line.

Sa Classroom Teaching track, maaaring umangat ang mga guro mula Teacher I hanggang Teacher VII, at mula Master Teacher I hanggang Master Teacher V.

Sa School Administration track naman, ang mga gurong nasa Master Teacher I na posisyon ay maaaring maging School Principal I hanggang School Principal IV.

Ang paglagda ng IRR ay tugon sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na walang guro ang magreretiro nang hindi na-promote mula sa Teacher I, kaya naman gumawa ang DepEd ng paraan para magkaroon ng dagdag na posisyon para sa mga guro. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us