Kinumpirma ng Philippine Navy na isang sundalo sa BRP Sierra Madre ang nangailangan ng medical evacuation.
Sa pulong balitaan ngayong araw sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na noong July 7 na isa sa mga sundalong nakabase sa Ayungin Shoal ang kinailangang agad na ilikas at isugod sa ospital.
Tumangging magbigay ng dagdag na detalye si Trinidad hinggil sa insidente ng panghaharang ng mga barko ng China sa naturang misyon.
Ngunit binigyang-diin na sa kabila nito ay naging matagumpay pa rin ang naturang medical evacuation.
Kaugnay nito ay nagpahayag naman ng pasasalamat ang opisyal sa mga tauhan ng PCG na nanguna sa paglilikas sa nasabing sundalo.| ulat ni Diane Lear