Binigyan ng parangal ng Department of Agrarian Reform ang Lumad sa Adgawan Farmers’ Multi-Cooperative sa Agusan del Sur.
Ayon sa DAR, ang farmers cooperative ang nangungunang agrarian reform beneficiary organization na kumita ng P87.786-M noong taong 2023.
Ipinagkaloob ng DAR ang parangal sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) program.
Sa ilalim ng programa, ang iba’t ibang ahensiya at institusyon ay kumukuha ng serbsiyo sa mga ARBO upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa pagkain at agricultural products.
Noong taong 2023, 470 ARBOs sa buong bansa, ang nakinabang sa PAHP program, na kumita ng P680.68-M.
Ang ARBOS ay iniuugnay ng DAR sa institutional buyers gaya ng Bureau of Jail Management and Penology, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at maraming iba pa. | ulat ni Rey Ferrer