Ibinahagi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, na may isang mangingisdang Pinoy ang nawawala matapos banggain ng isang Chinese commercial vessel ang sinasakyan nilang bangkang pangisda sa karagatan ng Zambales noong july 7.
Base sa report ng Philippine Coast Guard kay Tolentino, binangga ng Chinse commercial vessel na Yangfu ang isang maliit na bangkang pangisda na lulan ang dalawang Pinoy noong July 7 bandang alas-12:30 ng tanghali.
Kinilala ang nawawalang mangingisda na si Jose Mondeñedo habang ang kasama naman nitong si Robert Mondeñedo ay nakaligtas sa insidente.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng ating mga otoridad ang paghahain ng nararapat na kaso.
Makikipag ugnayan aniya ang Pilipinas sa International Maritime Organization (IMO) para matukoy kung saan nakarehistro ang Yangfu vessel.
Pwede rin aniyang makipag-uganayan ang ating pamahalaan sa Chinese Embassy kung mapapatunayang Chinese ang may ari ng Yangfu vessel.
Sa ngayon, binigyang diin ni Tolentino na ang pinakamahalaga munang mangyari ay mahanap ang nawawalang mangingisda. | ulat ni Nimfa Asuncion