Suportado ni Navotas Representative Toby Tiangco ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-develop ng National Flood Control Plan.
Kasunod ito ng pananalasa ng bagyong Carina na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Ayon kay Tiangco, ang national flood control plan ang mag-i-integrate ng epektibong flood interventions upang pangalagaan ang sambayanan at mga ari-arian nito laban sa matinding pagbaha.
Aniya, naranasan ng kanyang distrito ang pagbaha at isa ito sa kanilang pangunahin problema ang mataas na tubig baha, at mga kalsada na hindi madaanan.
Kaya aniya kailangan makipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa local government units (LGUs) at government agencies para sa itatatag ang National Flood Control plan.
Mahalaga din na maging pro-active sa pag-unawa ng mga maaaring banta sa flood control infrastructure.
Samantala, nagpaalala din ito sa publiko partikular sa mga Navoteños na tiyakin na nasusunod ang tamang pagtatapon ng basura dahil sa 81 pumping stations ang nabarahan ng mga basura noong bagyong Carina. | ulat ni Melany Valdoz Reyes
Photo: Rep. Toby Tiangco Facebook page