Iskedyul sa bentahan ng murang bigas sa ADC Kadiwa Store, binago

Facebook
Twitter
LinkedIn

May pagbabago sa iskedyul ng bentahan ng murang bigas sa ADC Kadiwa Store sa tabi ng Department of Agriculture.

Sa abiso na nakapaskil sa harap ng Kadiwa Store, mula Lunes hanggang Miyerkules na lang magiging avalaible dito ang murang bigas.

Sa nga araw ng Huwebes at Biyernes, ililipat ito sa tanggapan ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Visayas Avenue, Quezon City.

Bahagi pa rin ito ng ginagawang trial bago ang tuluyang pag-arangkada ng Bigas 29 ngayong Hulyo.

Ayon sa DA, posibleng ngayong linggo ay mailabas na ang pinal na guidelines para sa implementasyon ng Bigas 29.

Una na ring sinabi ng NFA na nakahanda na ang nasa 9,750 metric tons ng bigas na ilalaan nito para sa pag-arangkada ng programang Bigas 29 ng Department of Agriculture. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us