Isyu ng pagkakaroon ng irregular na birth certificates, kukwestiyunin ni SP Escudero sa budget deliberations ng PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ni Senate President Francis Chiz Escudero na kwestyunin ang Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay sa mga naglabasang mga irregular na birth certificate na nagiging batayan din ng iba pang legal na dokumento sa bansa.

Ito ay may kaugnayan sa natuklasang irregular na birth certificate ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nagamit nito sa pagkuha ng Philippine passport at pagtakbo bilang alkalde.

Ayon kay Escudero, tatanungin niya ang PSA tungkol sa isyung ito sa magiging budget deliberations para sa panukalang 2025 budget ng ahensya.

Kabilang aniya sa mga itatanong niya ay kung paano ito nangyari, ilang beses nangyari, gaano kadalas at saan may pagkakamali.

Binigyang diin rin ng senate leader, na hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng irregular birth certificate.

Dapat aniyang matukoy kung may katiwalian o kapalpakang nangyari sa ahensya na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng mga irregular na birth certificates. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us