Naniniwala si Albay Representative Joey Salceda na magandang pagkakataon ang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang ilahad ang posisyon ng pamahalaan sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng POGO.
Ani Salceda, sa simpleng pahayag na sundin ang umiiral na batas ay maaari na aniyang maresolba ang isyu sa mga iligal na POGO sa bansa.
“It’s simple: Implement the law. Follow the law. Enforce the law. If you enforce the law, naturally you will catch violators,” sabi ni Salceda.
Mainit na usapin ngayon ang POGO lalo na dahil sa pagkakaugnay nito sa mga krimen.
Ngunit binigyang diin ng economist solon, na kaya lumalabas ang mga paglabag at iligal na gawain nito ay dahil ipinatutupad ng mga otoridad ang batas na nagreresulta sa kanilang pagkakahuli.
“If you hear news of violations, that’s because Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corporation) and law enforcement is catching them. Let the law work,” dagdag ni Salceda.
Malamig si Salceda sa panawagang total ban ng mga POGO para lang maisara ang mga sangkot sa krimen.
Binigyang diin muli ni Salceda, na kung ikukumpara sa mga nakaraang taon ay mas maayos na ang pangongolekta ng buwis sa mga POGO. | ulat ni Kathleen Forbes