Interesado ang Japan Bank for Interenational Cooperation (JBIC) sa planong pag-iisyu ng gobyerno ng “Samurai” bonds.
Sa pulong nila Finance Secretary Ralph Recto at JBIC kamakailan, tinalakay ang mga sektor na maaring paglagakan ng pamumuhunan sa Pilipinas.
Ayon kay JBIC Governor Nobumitsi Hayashi, interesado sila sa Samurai bonds partikular ang green bonds.
Pinag-aaralan din nila ang potensyal ng renewable energy projects sa bansa gaya ng hydropower at power grids.
Diin ng JBIC top official, komited silang suportahan ang ilang Japanese enterprise na nais mag-relocate sa Pilipinas upang palawakin ang kanilang manufacturing and supply chains.
Samantala, tiniyak naman ni Sec. Recto ang magandang alok ng pamumuhunan sa bansa kapag naisabatas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprise to Maximize opportunities for Reinvigorating the Economic (CREATE MORE) bill.
Aniya, layon ng CREATE MORE bill na bigyang insentibo ang mga investors sa pagmimina at iba pang sector. | ulat ni Melany Valdoz Reyes