Idineklara ng Malacañang ang July 2, 2024 (Araw ng Martes), bilang special non-working holiday sa lungsod ng Pasig.
Ito ay upang bigyang daan ang selebrasyon ng ika-451 Araw ng Pasig.
Paliwanag ng Palasyo, inilabas ang direktiba upang mabigyan ng ganap na oportunidad ang mga residente ng Pasig City, na makiisa sa okasyon ang naturang selebrasyon.
Ang Proclamation No. 612, ay pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ika-29 ng Hunyo, 2024. | ulat ni Raquel Bayan