Kadiwa Center na nagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas planong palawakin sa Agosto – DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ng Department of Agriculture (DA) na palawakin sa Agosto ang bilang ng mga Kadiwa Center na nagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas.

Ito ay matapos ang matagumpay na paglulunsad ng malawakang trial run ng P29 Rice Program sa Metro Manila at Bulacan ngayong araw.

Layon ng programa na matulungan ang mga mahihirap na pamilya, senior citizen, solo parent, at mga may kapansanan na makabili ng abot-kayang bigas.

Sa isang pahayag, lubos ang pasasalamat ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang paglulunsad ng programa.

Ayon kay Secretary Laurel, malaking tulong ang trial period na ito upang makakalap ng mahahalagang datos na magagamit sa pagpapalawak ng programa sa buong bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us