Kadiwa ng Pangulo, 2 araw na magbubukas sa Caloocan

Facebook
Twitter
LinkedIn

May opsyon muli sa mas murang bilihin ang mga residente ng Caloocan sa pagbubukas simula ngayong araw ng Kadiwa ng Pangulo sa lungsod.

Matatagpuan ito sa sa C-Cube Complex, Caloocan City Hall – South, Barangay 103 na bukas mula 7:00 am hanggang 5:00 pm, hangang July 31, 2024.

Hatid ng Kadiwa ng Pangulo sa Caloocan ang mga dekalidad at abot-kayang produkto tulad ng bigas, gulay, prutas, karne, at marami pang iba.

Ayon kay Caloocan Mayor Along Malapitan, ang pagtangkilik sa mga produkto sa Kadiwa ay katumbas rin ng suporta sa mga kababayang magsasaka at negosyante.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us