Matagumay na nailunsad kanina ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Zamboanga Sibugay ang Kadiwa ng Pangulo program.
Ang naturang aktidad ay ginanap sa TESDA Provincial Office sa may Barangay Ipil Heights sa bayan ng Ipil sa Lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Tampok sa Kadiwa ng Pangulo display ang murang mga bigas, preskong gulay, prutas, karne, at iba pang mga produktong agrikultural na nagmula sa iba’t ibang mga lugar ng lalawigan.
Layon ng TESDA sa paglunsad ng aktibidad na makapagbigay ng mas murang bilihin para sa mga mamimiling Sibugaynon, sa gitna ng pabugso-bugsong buhos ng ulan sa lalawigan dulot ng hanging habagat.
Katuwang ng TESDA Sibugay sa paglunsad ng Kadiwa ng Pangulo ang TESDA farm schools sa probinsya, sa koordinasyon ng Department of Agriculture (DA) Zamboanga Sibugay. | ulat ni Lesty Cubol, Radyo Pilipinas Zamboanga
📸 PIA Zamboanga Sibugay