Muling magbubukas ngayong araw ang Kadiwa ng Pangulo sa Lungsod ng San Juan.
Dito, mabibigyan muli ng pagkakataon ang mga residente ng lungsod na makabili ng murang bigas gayundin ng iba pang agri products.
Bahagi ito ng inisyatiba ni Pangulong Ferdinad R. Marcos Jr. na direktang maihatid ang mga murang produkto sa publiko.
Matatagpuan ang Kadiwa ng Pangulo sa Atrium ng San Juan City Hall.
Nitong weekend, tinangkilik ng mga nasa vulnerable sector ang ₱29 kada kilo ng bigas na ibinenta sa Kadiwa center sa Nangka, Marikina.
Kabilang ito sa tatlong bagong lokasyon ng Kadiwa center na tinukoy ng Department of Agriculture (DA) na magbebenta ng murang bigas.
Sa tatlong araw na pagbebenta ng murang bigas, napagsilbihan ng Kadiwa center sa Camacho Covered Court sa Marikina City ang mga Senior Citizen, Persons With Disability (PWD), at Solo Parents. | ulat ni Jaymark Dagala