Kahalagahan ng paradigm shift ng Marcos Admin mula flood control patungong water management, binigyang diin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumami ang benepisyong tinatamasa ng Pilipinas mula sa mga flood control project ng pamahalaan, mula nang isulong ng Marcos Administration ang pagiging multi-purpose ng flood control projects at dam sa bansa.

Ibig sabihin, nagsisilbi na ring water impounding area ang mga irrigation dam, mula sa dating pagiging simpleng flood control projects lamang.

Sa Post SONA forum, ipinaliwanag ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen na kung dati environment at social benefit lamang ang nakukuhang pakinabang sa mga proyektong ito, sa kasalukuyan, nagkakaroon na rin ito ng impact sa ekonomiya.

“Napakalaki ang flood control na budget ng DPWH ano pero nilagyan po iyan doon sa aming convergence ng irrigation – may pakinabang na po tayo sa irigasyon… So, para sa akin po, ito iyong triple bottom line concept – dito natin makikita na iyong Build Better More ng ating pangulo ay hindi lamang isang slogan kung hindi talagang totoong makakatulong sa ating laha.” -Engr. Guillen.

Lumalabas kasi aniya sa Philippine Statistics Authority (PSA) survey, na 60% ng mga mahihirap sa bansa kabilang sa agri sector.

At dahil patuloy na dinadagdagan ng pamahalaan ang irrigation facilities sa Pilipinas, nakakatulong ito sa pagpapataas ng productivity, ani, at kita ng mga magsasaka.

Na siya namang makakatulong sa pagpapababa ng antas ng kahirapan sa bansa.

“Kasi kapag dinagdagan mo iyong irrigations facilities, tataas ang ating productivity, tataas ang ating yield. So, makakatulong ito ng malaki. Kapag na-expand mo kasi iyong ating irrigation infrastructure, bababa pati iyong poverty alleviation natin. Alam naman natin lahat sa report ng PSA, nasa 60% ng mahirap ay nandoon sa agriculture sector, so mapababa po natin ito.” —Engr. Guillen. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us