Kakayahan ng Air Force na ipagtanggol ang bansa, itinanghal sa kanilang ika-77 anibersaryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng demonstrasyon ang Philippine Air Force (PAF) ng kanilang kakayahang ipagtanggol ang bansa sa pagdiriwang kahapon ng kanilang ika-77 anibersaryo sa Basa Air Base sa Pampanga.

Ang pagtatanghal na sinaksihan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sinimulan sa pamamagitan ng demonstrasyon ng kakayahan ng PAF na i-take over ang teritoryong kontrolado ng kalaban sa pamamagitan ng pag-atake ng FA-50 fighter jets kasunod ang A29B Super Tucano aircraft.

Sinundan ito ng pag-deploy ng Black Hawk helicopters para magdiskarga ng special operations forces.

Itinanghal din ng PAF ang kanilang Guided Precision Aerial Delivery System (GPADS) sa paghahatid ng supply mula sa himpapawid, at Ground Based Air Defense System laban sa mga banta sa himpapawid.

Ang programa ay nagwakas sa pamamagitan ng final pass ng 3 A-29B Super Tucano aircraft, na nagsilbing testamento ng commitment ng PAF na protektahan ang bansa.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us