Simula bukas, Hulyo 15, pansamantalang isasara sa mga motorista ang Dr. Pilapil Street partikular ang Sapang Liwanag Bridge sa Brgy. San Miguel, Pasig City.
Sa traffic adisory ng Pasig LGU, gagawin ang pagsasara ng daan tuwing alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Bibigyang-daan nito ang konstruksyon ng double barrel Reinforced Concrete Box Culvert at ang road pavement.
Ang nasabing proyekto na isasagawa ng City Government ng Pasig ay inaasahang matatapos sa Enero 15, 2025.
Dahil dito, hinihimok ng LGU, ang mga motorista na maaari nilang gamiting alternate route ang Mercedes Avenue habang sarado ang kalsada. | ulat ni Rey Ferrer