Nakikipag ugnayan na ang Kamara sa Office of the Vice President kaugnay sa kaniyang pahayag na hindi na siya dadalo sa Station of the Nation Address (SONA) sa July 22.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, kailangan nila ng pormal na kumpirmasyon at komunikasyon sa hindi pagdalo ng bise presidente.
“Hindi naman namin tatanggalan kasi meron pong mga guest kami na last meeting na nagre-reconfirm na “uy tuloy pala ako” ganun so we reserve seat for her regardless.” paliwanag ni Velasco
“Yung sabi niyang hindi siya a-attend, we need official confirmation, so we’re contacting her office kung totoo talagang hindi darating, hindi pupunta.” dagdag niya
Gayunman tiniyak ni Velasco, na mayroon pa ring nakareserbang upuan para kay VP Sara.
Paliwanag ng House SecGen, lahat ng VIP ay binibigyan ng hanggang sa mismong araw ng SONA kung sila ay dadalo at hindi.
“Pero kahit ganoon, we still reserve a seat for her just in case may last minute decision siya (na magbago). Ganun kasi yung treatment namin to any guest specially mga VIP.” saad ng House Secretary General | ulat ni Kathleen Forbes