Magsasagawa na ang Kamara ng imbestigasyon kaugnay sa paglaganap ng mga krimen at iligal na gawain na iniuugnay sa mga POGO.
Ito’y matapos ipag-utos ni House Speaker Martin Romualdez na magkaroon ng komprehensibong Congressional investigation ukol dito.
Sa susunod na Miyerkules, July 15, itinakda ang motu proprio inquiry ng House Committee on Public Order and Safety kasama ang Games and Amusements ukol sa isyu.
Ito ang unang pormal na imbestigasyon ng Kamara tungkol sa pagkakasangkot ng POGO sa iba’t ibang iligal na gawain.
Ang hakbang na ito ay pagsuporta sa pamahalaan na labanan ang iligal na mga aktibidad at masigurong naipatutupad ng tama ang kasalukuyang mga batas at regulasyon.
Noong Pebrero, inaprubahan ng Games and Amusements Committee ang resolusyon para sa tuluyang pagbabawal ng operasyon ng POGO dahil sa mga krimen gaya ng human trafficking, torture, kidnapping, prostitution, at money laundering. | ulat ni Kathleen Jean Forbes