Kamara, nasimulan nang ipadala ang mga imbitasyon para sa SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Kamara ang pagpapadala ng imbitasyon para sa mga dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco nasa 2,000 imbitasyon na ang kanilang ipinadala at nasa 60 hanggang 70 percent sa mga ito ang nagkumpirma na.

Tulad noong 2023 SONA, magbubukas ng overflow room para sa iba pang mga bisita na nais saksihan ang SONA ngunit hindi makakapasok sa plenary hall dahil sa limitadong upuan.

Ang bilin kasi aniya ni Pangulong Marcos Jr. ay i-accommodate ang mga nais dumalo.

“We have already sent the invitation and many have confirmed already, no? Yun lang, we are arranging the seating plan, no? Because, ah, as I told the President, ang daming ang daming gusto kong umatend nitong SONA…I think we have sent about 2,000 plus.

Kasama sa tradisyunal na iniimbitahan ang mga mambabatas, pinuno ng Constitutional Commissions, cabinet officials at ang bise-Presidente.

Nakasalalay naman aniya sa inter-agency committee ang seating plan o kung sino ang magkakatabi sa SONA. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us