Nagpaabot ng pakikiramay sina United States Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin III sa mga biktima ng nagdaang kalamidad dulot ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Carina.
Sa pulong-balitaan matapos ang 2+2 Ministerial Dialouge sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa Kampo Aguinaldo kahapon, inanunsyo ni Blinken na magpapaabot ang Amerika ng karagdagang $1 milyong dolyar.
Ito’y para sa humanitarian assistance ng Amerika sa mga nasalanta ng nagdaang kalamidad na kumitil sa buhay ng mahigit 30 at ikinasira ng maraming tahanan gayundin ng kabuhayan.
Kasunod nito, ipinaabot naman ni Austin ang mensahe ng pakikiisa ni US President Joe Biden sa mga Pilipino sa panahong ito na naharap ang bansa sa matinding pagsubok. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: DND