Sa unang araw na pagkakaluklok kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, isa sa nais niyang agarang maisulong sa ahensya ay ang karagdagang pwesto at umento sa sahod ng mga guro.
Aniya, kaniyang pag-aaralan ang mabilis na pag-angat ng ilang mga guro sa bansa, tulad ng mga guro na matagal nang nakabinbin sa Teacher 1.
Ilan sa mga nakalatag na programa ni Secretary Angara para sa DepEd ay ang karagdagang doktor sa ahensya, maigting na pagbabantay sa kalusugan ng mga guro, at makapagbigay ng sapat na kagamitan sa mga estudyante at makapaghandog ng mga matitibay na materyales para sa mga paaralan sa bansa.
Sa kasalukuyan, mananatili ang Matatag Curriculum sa Grades 1, 4, 7 ngayong taon, at Grades 2, 3, 5, at 8 naman sa susunod na taon. | ulat ni Mary Rose Rocero