Kasunduan sa enerhiyang nukleyar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, naging epektibo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng U.S. Department of State na naging epektibo noong July 2 ang “US-Philippines Agreement for Cooperation in Peaceful uses of Nuclear Energy.”

Ayon sa pahayag ni US State Department Spokesperson Matthew Miller na ibinahagi ng US Embassy sa Manila, ang kasunduan ay magpapalawak sa kooperasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa “clean energy” at “energy security,” at magpapatatag sa pangmatagalang ugnayang pang-ekonomiya at diplomatiko ng dalawang bansa.

Ayon kay Miller, ang kasunduan ay bahagi ng pagsisikap ng Estados Unidos na i-develop ang civil nuclear sector ng Pilipinas.

Ang Civil Nuclear Cooperation Agreement, na kilala din bilang “123 Agreement” ay nagsisilbing ligal na basehan para sa pag-export ng nuclear material, equipment, at components mula sa Estados Unidos patungo sa ibang mga bansa.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us