Kauna-unahang HPV-DNA screening sa Eastern Visayas, pinasinayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal na binuksan sa Eastern Visayas Medical Center (EVMC) ang kauna-unahang automated HPV-DNA Screening platform para sa cervical cancer sa Eastern Visayas.

Naisakatuparan ang paglalaan ng COBAS 5800, sa pamamagitan ng inisyatiba nina Speaker Martin Romualdez at TINGOG Party-list Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre sa tulong ng biotech company na Roche.

Salig na rin ito sa 2030 Mission Leapfrog Philippines (MLP) na layong pag-ibayuhin ang women’s healthcare lalo na pagdating sa early detection at prevention ng cervical cancer sa pamamagitan ng pagbibigay access sa mga kababaihan sa pinaka-moderno at epektibong diagnostic tool.

”Tingog Party-list’s unwavering support to advancing public health through Leapfrog underscores shared commitment among Roche and EVMC in enhancing healthcare services and improving health outcomes for women in Eastern Visayas. The launch of this screening platform is a big step in ensuring that women in our region receive the best possible care,” sabi ni Acidre.

Ang ugnayang ito ng EVMC at Roche ay pagsuporta sa 2030 World Health Organization Elimination of Cervical Cancer, kung saan 90% ng mga kabataan edad 15 ay bakunado ng HPV vaccine, 70% ng mga kababaihan ay sumailalim sa high-performance test sa edad na 35 at 45, agad magamot ang precancerous lesions, at 90% ng mga kababaihan na may cervical disease ay makatanggap ng gamutan.

Ang cervical cancer ang ikatlong pinakalaganap na uri ng cancer sa Pilipinas na kumikitil ng 12 katao kada araw. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us