Opisyal nang inilunsad ang Brigada Eskwela 2024 sa Commonwealth Elementary School at Bagong Silangan High School sa Quezon City.
Pinangunahan ni DepEd Secretary Sonny Angara, MMDA Chairman Don Artes at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kick off ceremony ng Brigada.
Isang taunang aktibidad, na naglalayong tiyakin ang kalinisan ng mga pampublikong paaralan sa oras ng pagbubukas ng mga klase sa Hulyo 29.
Mismong ang tatlong opisyal ang nanguna sa mga magulang at guro sa pagpipintura ng mga upuan sa silid-aralan.
Sa panig ng Quezon City LGU, nakahanda na ang 158 na pampublikong paaralan sa lungsod para sa pagsisimula ng klase.
Nakatakda namang isagawa ang Brigada Eskwela sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod sa Martes,
pagkatapos ng SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes.| ulat ni Rey Ferrer