Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit 11 ang isang wanted person matapos ang ikinasang manhunt operations nito sa Brgy. Poblacion Lanuro, Hagonoy, Davao del Sur.
Kinilala ang suspek na si Janel Cano Ehara o mas kilala sa alyas na bilog na inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Digos City Regional Trial Court.
Ayon kay PDEG Director, Police Brig. Gen. Eleazar Matta, nahaharap kasi si alyas Bilog sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa kustodiya na ngayon ng Hagonoy Municipal Police Station si alyas Bilog para sa documentation at proper disposition. | ulat ni Jaymark Dagala