Klase sa Caloocan, Malabon, at Navotas, kanselado dahil sa walang tigil na ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-anunsyo na ng class suspension ang ilang lokal na pamahalaan sa Northern Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy pa ring pag-ulan.

Si Caloocan Mayor Along Malapitan, inanunsyo ang kanselasyon ng pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaaralan sa lungsod.

Batay rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, kanselado na ang pasok sa lahat ng antas (pre-school to college), public at private sa Navotas ngayong araw.

Mananatili ring suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Malabon dahil sa epekto ng habagat at high tide.

Una nang nag-abiso ang PAGASA na nasa ilalim ngayon ng Yellow Rainfall Warning ang Metro Manila kaya asahan ang mga pag-ulan ngayong araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us