Handa na ang Kamara na tanggapin ang National Expenditure Program.
Ito ang sinabi ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co matapos aprubahan ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang P6.352 trillion 2025 National Budget.
Ani Co, magsasagawa ang Appropriations Committee ng komprehensibong pagdinig sa Kongreso, kasama ang iba’t ibang stakeholders, mga ahensya ng gobyerno, at mga eksperto upang tiyakin ang transparency, accountability, at epektibong paggamit ng pondo.
Layunin aniya nila na makabuo ng pambansang budget na tunay na mapapakinabangan ng mga Pilipino at tutugon sa mga kinakaharap na hamon ng bansa.
Sisiguraduhin din aniya nila na tuluy-tuloy ang Legacy Projects ng Pangulong Marcos na Legacy Specialty Hospitals, Legacy on Food Security at Legacy Housing for the poor.
Makakaasa din aniya ang taumbayan na bibigyan ng sapat na pondo ang mahahalagang sektor gaya ng education, healthcare, infrastructure, at social services.
“We will meticulously examine the NEP to guarantee that it reflects the aspirations and needs of our people. Sa ganitong paraan, nais naming makalikha ng isang budget na hindi lamang susuporta sa paglago ng ekonomiya kundi magtataguyod din ng inclusivity at social justice. Our dedication to this process underscores our commitment to a transparent, accountable, and people-centric approach to governance.” sabi ni Co.| ulat ni Kathleen Forbes