Halos tapos na ang konstruksyon ng Balagtas Station ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project.
Sa inspeksyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista ngayong araw, ibinalita niyang 95% nang kumpleto ang istasyon at inaasahang matatapos ang paglalagay ng iba pang pasilidad sa unang bahagi ng 2025.
Pinuri rin ni Secretary Bautista ang mga makabago at environment-friendly na materyales na ginamit sa bubong ng istasyon.
Ang 180-meter na Balagtas Station ay mayroon ding concourse, platform, dalawang elevator, anim na escalator, at mga pasilidad para sa PWDs at senior citizens.
Samantala, ininspeksyon din ng kalihim ang 14-hectare NSCR Malanday depot na sa ngayon ay 72.1% nang kumpleto. | ulat ni Diane Lear