Puspusan na ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project.
Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa Pre-SONA Special.
Bukod pa rito, ibinahagi ni Secretary Bautista na magkakaroon din ng ‘airport express’ na mag-uugnay sa Clark International Airport at NAIA.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOTr sa mga kontraktor ng NSCR Project upang masigurong matatapos ang proyekto sa taong 2029, at maisagawa ang partial operations sa 2027.
Layon ng proyekto na maghatid ng komportable, accessible, at sustainable na transportasyon para sa lahat. | ulat ni Diane Lear