Kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Brazil, isinulong ni Gen. Brawner

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinulong ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mas malapitang kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Brazil.

Ito ay sa kanyang pakikipagpulong kay Brazilian Ambassador to the Philippines His Excellency Gilberto Fonseca Guimarães de Moura sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo, ngayong araw.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga potensyal na larangan ng kooperasyon alinsunod sa 2022 Philippines-Brazil Memorandum of Understanding (MOU) on Defense Cooperation.

Kabilang dito ang logistics and defense industry collaboration, cybersecurity, information sharing, counterterrorism, at humanitarian assistance.

Sinabi ni Gen. Brawner, na pinapahalagahan ng Pilipinas ang kanyang relasyon sa Brazil, at malugod na inaasahan ang pagtuklas ng mga bagong oportunidad na kapwa magbebenepisyo sa depensa at seguridad ng dalawang bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us