Lumampas na sa normal high water elevation ang tubig sa La Mesa Dam.
Hanggang alas 6:00 ngayong gabi, umabot na sa 80.16 Meters ang water level sa dam na higit na sa 80.15 meters normal level.
Dahil dito, nakitaan na ng pag apaw sa spillway ang sobrang tubig sa na dumadaloy papunta sa Tullahan River.
Maaga pa lang kanina, nag-abiso na ang PAGASA sa posibleng pag-overflow ng tubig sa La Mesa Dam.
Inalerto ang lahat ng mga residente na nakatira sa tabi ng ilog sa posibleng flashflood.
Samantala, tatlong gate ng IPO Dam ang binuksan na sa taas na .5 meters para sa tuloy-tuloy na pagpapakawala ng tubig.
Nasa 101.53 Meters ang water level nito na mataas sa normal water elevation na 101.10 meters.| ulat ni Rey Ferrer