La Niña Alert, itinaas ng PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang La Niña Alert.

Batay sa monitoring at analysis ng PAGASA, ito ay dahil sa patuloy na paglamig ng temperatura sa ibabaw ng dagat sa central at eastern equatorial Pacific.

Kaugnay nito may 70 percent na posibilidad na mabuo ang La Niña sa Agosto hanggang Oktubre ngayong taon at maaaring magtagal hanggang sa unang bahagi ng 2025.

Dahil dito, mas mataas ang tsansa ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan na maaaring magresulta sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Pinapaalalahanan ng PAGASA ang mga ahensya ng gobyerno at publiko na maging handa at mag-ingat sa mga posibleng epekto nito.

Patuloy namang babantayan ng PAGASA ang anumang pagbabago sa La Niña. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us