Inilatag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang accomplishment ng kanilang hanay, para sa taong ito, ilang linggo, bago ang ikatlong State of the Nation Addres (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Hulyo.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na nitong nakalipas na taon, marami silang high value individuals ang na-neutralize o hindi kaya ay sumuko sa pamahalaan.
“Maganda iyong progress na nagagawa natin… Ibig ko sabihin dito kapag na-neutralize natin sila, is that hindi lamang sa namatay sila sa engkuwentro but marami po sa kanila ang nagsu-surrender nang kusa. And we are happy dahil namumulat na po iyong mga miyembro ng New People’s Army at marami na po sa kanila ang nagsu-surrender.” —Gen. Brawner.
Nagpapatuloy aniya ang decommissioning efforts nito sa mga nagbabalik loob na rebelde.
Mula sa 11 guerilla fronts na patuloy pang nilalabanan ng pamahalaan, pito na lamang aniya ang natitira sa kasalukuyan.
“Sa hanay naman po ng mga local terrorist groups ay tuluy-tuloy rin po iyong ating accomplishments that is why malaki na po iyong nabawas doon sa mga local terrorist groups like the Maute-ISIS group, iyong mga Dawla Islamiya at iyong mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.” —Gen Brawner.
Marami na rin aniyang probinsya ang naideklara bilang insurgency free, partikular sa Mindanao.
Sabi ng opisyal, malaking bagay dito ang mga programang ipinatutupad ng NTF-ELCAC on ground.
“For the longest time kasi ang ginawa natin was we applied the military approach to the issue pero noong lahat po tayo ay nagtulung-tulong ay lalong napaganda iyong ating kampanya laban sa insurgency at lalo po nating na-address iyong roots ng problema, at marami po tayong natulungan na mga kababayan natin.” —Gen. Brawner.| ulat ni Racquel Bayan