Abot pa sa labing siyam na libong (19,000) costumer ng Manila Electric Company (MERALCO) ang hindi pa naibalik ang suplay ng kuryente dahil sa mga pagbaha dulot ng bagyong #CarinaPH at Habagat.
Gayunman, sinisikap ng MERALCO na maibalik ang suplay ng kuryente sa Metro Manila at Bulacan.
Paliwanag ni MERALCO Vice President at Corporate Communications Head at Spokesperson Joe Zaldariaga, malaking porsyento ng mga hindi pa naibalik na suplay ng kuryente ay nakararanas pa ng baha.
Target ng MERALCO na mapailaw ngayong araw ang mga lugar na huhupa na ang mga pagbaha.| ulat ni Rey Ferrer