Suportado ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Yamsuan ang plano ng Department of Transportation (DOTR) na paandarin ang cargo rail line mula Laguna hanggang Albay.
Bilang tagapagsulong ng pagbuhay sa Bicol Express rail line, umaasa si Yamsuan na ituloy ng DOTr ang P5 billion Laguna-Albay freight service project dahil mapababa nito ang logistics cost ng mga magsasaka na magreresulta sa mas mababang presyo ng agricultural products.
“Bicol farmers and traders will immensely benefit from this project. Rail transportation is cheaper and more efficient than trucking services in moving large volumes of cargo over long distances, which, in turn, will help reduce costs for those supplying goods from Bicol to Metro Manila and vice versa,” sabi ni Yamsuan.
Dagdag pa ng kinatawan na mapapasigla rin nito ang negosyo sa pagitan ng Laguna at Albay na magdadala ng mas masiglang ekonomiya sa dalawang probinsya at kalapit lalawigan.
Magandang simula na rin ani Yamsuan ang pagsasa ayos ng Laguna-Albay line para sa muling operasyon ng Bicol Express.
Pinatitiyak naman ng mambabatas na tama ang kagamitan para sa retrofitted trains upang maiwasan ang pagkasira ng mga dala nitong produkto.
Plano ng DOTr na mapaandar ang naturang linya sa susunod na taon na may isang biyahe kada gabi upang hindi maantala ang commuter service line sa Laguna at Albay. | ulat ni Kathleen Forbes