Kuntento ang ilang manggagawa sa Quezon City sa kanilang narinig na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Patok sa ilang nakapanayam ng RP1 ang usapin ng POGO na para sa kanila ay talagang napapanahon nang alisin sa bansa dahil sa masamang epekto nito.
Ayon kay Mang Jaime, isang security guard, marami na ang nabalitaan niyang krimen at iligal na aktibidad sa POGO kaya dapat lang na tanggalin na ito.
Good news din sa mga ito ang paninindigan ng Pangulo sa West Philippine Sea na “ITO AY ATIN.”
Si Carl naman, ang usapin sa agrikultura na inuna ng Pangulo sa kanyang SONA ang binigyang-pansin. Dapat lang aniyang unahin ito lalo’t malapit sa sikmura ng publiko ang usapin sa pagkain.
Habang si Mang Arnaldo na isang government worker, masayang masaya sa nabalitaang umento sa sahod at ang medical allowance para sa mga kawani ng gobyerno na kasama rin sa highlight ng SONA ng Pangulo.
Para sa kanila, patunay ang SONA ng Pangulo na ito ay talagang nagtatrabaho para sa Bayan. | ulat ni Merry Ann Bastasa