Naipamigay na ng pamahlaang lungsod ng Las Piñas sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office nito ang social pension cash-payout para sa mga indigent senior citizens ng Barangay Pamplona Uno.
Ayon sa LP LGU, nakatanggap ang mga senior citizens ng hanggang five thousand pesos bawat isa.
Paliwanag ng LGU, ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng ongoing commitment ng lungsod na pagandahin ang kalagayan ng mga lolo at lola sa lugar.
Pinangunahan ni City Vice Mayor April Aguilar ang nasabing distibusyon para matiyak ang maayos, organisado at episyenteng proseso.
Sa nasabing pagtitipon ay binigyang diin ni Vice Mayor Aguilar ang kahalagahan ng nasabing progtama para mabawasan ang bigat ng problemang pinansyal ng mga nakatatanda sa lugar gayon din ang dedikasyon ng pamahalaan na makatulong sa mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco